Monday, January 29, 2007

Bubong (Purita San Diego)

Bubong

Purita Monica Ann A. San Diego


Sa bubong ng bahay, nakahiga

Dinarama ang lamig ng yerong

Namaalam na sa lumubog na araw

Kaydaling nakamit ang ligaya

Sa lumipas na pangitain ng pagkabata.


Hindi gaya ngayon, diese-otso anyos

At pahiga-higa rin sa bubungan ng isip

Tuliro sa tawag ng laman

At sa ungol ng boteng namamawis.

Malalim na ang gabi’y

Nag-aapoy pa sa init,

Sa nakakabaliw na init,

Ang yerong hugis alon, may bunganga

At mangiyak-ngiyak na tinatawag

Ang aking pangalan.

No comments: