Monday, January 29, 2007

Bukas Kung Hindi Man (Purita San Diego)

Bukas Kung Hindi Man

Purita Monica Ann A San Diego

Bukas, kung wala na ako

Gusto kung uminom pa rin kayo

Ng paborito nating beer

Yung trenta pesos kada kalahating litro

Dun sa Corner Store kung saan

sa paglagok ng mapait-tamis na tubig,

Ang paslit kung isip ay namulat

Sa nakakabaliw na mundong

Isa-isa nating pinasyang pasukin

Sa pagsikat ng araw

Kung hindi man bumukas

Ang pinid kong mga mata

Bumili pa rin kayo

Ng pula at puting yosi

At isa-isang sindihan at hithitin ang usok

Na para bang ang paghigop nito

Ang makapapahupa sa tulirong bagyo

Na dala ng kabataan.

Kahit hindi.

No comments: